‘Barangayanihan’ umarangkada sa Kawit

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Labor Day, namigay ng libreng pagkain ang Kawit Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Tabon II.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Labor Day, namigay ng libreng pagkain ang Kawit Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Tabon II.

Kawit Municipal Police kasama ang ilang opisyal ng Barangay Tabon II at 4P’s.

Naisagawa nila ito sa pakikipag-ugnayan kay Punong Barangay Felecito Retonel at mga opisyal ng Barangay Tabon II, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), at Tricycle Operators and Driver’ Association (TODA).

Alinsunod sa programang “BARANGAYanihan: Barangay, Kapulisan, at Mamamayan, Nagkaisa at Nagdadamayan sa Panahon ng Pandemya,” kabilang sa kanilang ipinamahagi ay lugaw, gulay, bigas, dried fish, at itlog. 

Sinimulan umano nila ang naturang programa sa unang araw ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa Cavite.

Sa isang interview ng The Cavite Rising kay Kawit Chief of Police Joel Palmares, sinabi niyang nais nilang pag-igtingin ang bayanihan sa mga Pilipino.

“Sa isang maliit na pamamaraan ay marami tayong natutulungan. ‘Yun yung isang simpleng bagay na maitutulong natin sa mga kapwa natin Pilipino tulad ngayong pandemya. Ang mga Pilipino kasi ay likas na makapuso [at] matutulungin. Binabalik lang natin yung theme para maging maayos ‘yung pagsasama-sama natin sa panahon ng pandemya,” pahayag ni Palmares.

Lugaw ang inihaing almusal ng Kawit MPS, opisyal ng barangay, at iba pa.

“Ngayon kasi [ay] araw ng manggagawa…majority of our people lalo na dito sa Kawit ay mga manggagawa. Inuna namin ang TODA as part of the association na pwede nating matulungan,” dagdag pa niya.

Nais rin ng naturang hepe na maipagpatuloy nila ang paghahatid ng tulong sa mga barangay sa Kawit hanggang sa matapos ang pandemya.

Panawagan ni Palmares sa mga Kawiteño, “Magkaroon tayo ng pagmamahal sa ating kapwa, sa ating mga kababayan, sa ating mga ka-bario, mawala na sana ‘yung mga krimen, gumawa tayo ng mabuti sa panahon ng pandemya.”

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang MERALCO, kumite ng P25.5B sa unang kalahati ng 2025

Tumaas ng 10% ang kita ng Meralco sa unang kalahati ng 2025, na umabot sa P25.5 bilyon. Dahil ito sa matatag na kita mula sa power generation at retail electricity. Kumpiyansa si Chairman Manuel Pangilinan na aabot sa P50 bilyon ang core net income sa pagtatapos ng taon. Patuloy din ang pagpapalawak ng kumpanya, kabilang ang pagtatayo ng Atimonan Energy Power Plant at battery energy storage systems sa Cebu.