Batas na gawing special non-working holiday ang Araw ng Kawit, inihain ni Revilla

Inihain ni 1st District Representative Jolo Revilla ang isang panukalang batas na magtatakda bilang special non-working holiday ang Araw ng Kawit taun-taon.

Isinusulong ni 1st District Representative Jolo Revilla ang isang panukalang batas upang gawing special non-working holiday ang Araw ng Kawit kada taon tuwing unang araw ng Agosto.

Inihaing panukalang batas ni Congressman Jolo Revilla. Photos courtesy of Jolo Revilla / Facebook page.

Ayon kay Revilla, layunin rin ng House Bill 2869 na mabigyan ng panahon na maipagdiwang ng mga Kawiteño ang kanilang espesyal na araw.

Nakasaad sa panukalang batas na itinatag ang bayan ng Kawit noong Agosto 1, 1600 na kilala noong “Cavite el Viejo.”

Ayon pa rito, ang Kawit ay orihinal na binubuo ng mga bayan na kilala ngayon bilang Kawit, Noveleta, Cavite City, at Imus City. Ito ay nahati dahil sa paglago ng populasyon na kinalaunan ay kaya nang magtaguyod ng bawat isang munisipalidad at syudad.

“Ito ang aking ambag sa kasasaysayan ng Kawit dahil pinapahalagahan natin ang araw na ito ng mga Kawiteño,” pahayag ng Congressman sa kaniyang Facebook post.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.