Nagkaroon ng malawakang cyber outage na nakaapekto sa mga sistema ng mga airline, bangko, at media companies kamakailan dahil sa aberya sa Microsoft Windows operating system.

Kinumprima ng kumpanyang Microsoft na hindi ma-access ng kanilang mga users ang iba’t ibang Microsoft 365 applications at services.
Humingi ng dispensa ang global cybersecurity firm na CrowdStrike sa lahat ng mga naapektuhan ng kanilang malawakang shutdown.
Sa Pilipinas, kabilang sa mga naapektuhang bangko ang BDO, Union Bank, at Metrobank, na naglabas ng abiso na makakaranas ng technical difficulties ang kanilang sistema dahil sa outage.
“You may also experience delays in crediting of financial transactions including bills payment and interbank fund transfers as other institutions are likewise affected. Our technical team is already coordinating closely with the provider on the resolution of this issue,” saad ng BPI sa kanilang Facebook page.
Bukod pa rito, nagbigay abiso rin ang mga paliparan sa bansa, tulad ng Ninoy Aquino International Airport, matapos makansela ang iba’t ibang mga flights dahil sa IT issues.