Bilang ng aksidente sa Bacoor bumaba ng halos 50%

Bunsod ng pagpapatupad ng programang “Malasakit sa Bawat Residente,” bumaba ang bilang ng mga aksidente sa kalsada, ayon sa pamahalaang lungsod ng Bacoor.

Bumaba ng halos 50% ang mga aksidenteng naitala sa lungsod ng Bacoor dahil sa paglulunsad ng “Malasakit sa Bawat Residente” ngayong taon.

Canva Stock Photo

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Bacoor, nasa walong kaso lamang ang naitalang vehicular accidents simula noong Enero 1 hanggang 13 ngayong taon.

Dagdag pa nila, nakatutok sa pagbabantay ang mga awtoridad simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

“Ito’y mula sa 20 aksidente na naitala noong December 1-15, 2019 na bumaba sa 15 noong December 1-15, 2022,” paliwanag ng lokal na pamahalaan.

Samantala, bumaba rin umano ang bilang ng mga nahuhuling walang rehistro at helmet.

“Paalala sa lahat ng Bacooreñong motorista na 24/7 ang pagmamatyag ng mga kinauukulan upang manatiling disiplinado ang lahat. Strike as One tungo sa pagiging responsableng residente ng bawat Bacooreño,” anila.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CVSU-Cavite City isinusulong ni Cong. Jolo Revilla na maging regular campus

Isinusulong ni Cavite Rep. Jolo Revilla ang House Bill No. 1328 na gawing regular campus ang CvSU-Cavite City. Iginiit niya na ang pagbabago ay magbibigay-daan para sa mas malaking pondo at mapabuti ang pasilidad at akademikong programa ng unibersidad para sa mahigit 3,000 mag-aaral. Binigyang-diin ni Revilla na ang de-kalidad na edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino.