Bisa ng rehistro ng mga bagong motorsiklo, pinalawig ng 3 taon

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng rehistro ng mga bagong motorsiklo ng 3 taon.

Magiging tatlong taon na ang bisa ng initial registration ng mga bagong motorsiklo sa bansa, alinsunod sa panukala ng Land Transportation Office (LTO) simula Mayo 15.

Photo via Canva

Ipinag-utos ni LTO Chief Jayart Tugade na tatlong-taong bisa ng rehistro ang mga motorsiklong may makina na 200cc pababa na nakabatay umano sa isinagawang pag-aaral ng ahensya.

Ayon pa sa LTO, nasa dalawang milyon na mga bagong magpaparehistro ng motoriklo na may makinang 200cc pababa ang makikinabang dito.

“It is understood that the MVUC to be collected during the initial registration shall likewise be adjusted to cover the corresponding registration validity period,” ayon sa Memorandum Circular No. JMT-2023-2395 ng ahensya.

“Hindi natin nakikita na magkakaroon ng problema sa roadworthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan. Naniniwala kami sa LTO na ang hakbang na ito ay makakatulong sa maraming drayber na nagpapa-rehistro ng bagong motorsiklo para magamit sa kanilang hanapbuhay o trabaho,” wika ni Tugade batay sa ulat ng LTO.

Paglilinaw ng LTO, magiging kada taon na rin ang pagpaparehistro ng mga motorsiklong may makinang 200cc pababa matapos ang tatlong taong bisa ng initial registration ng mga ito.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Mayor Denver Chua, umalma sa vote buying issue

Nilinaw ni Cavite City Mayor Denver Chua na wala siyang kinalaman sa alegasyon ng vote buying matapos makatanggap ng show cause order mula sa COMELEC. Iginiit niyang walang basehan ang reklamo at bahagi lamang ito ng maruming pulitika. Binigyang-diin niya ang kanyang dedikasyon sa pagsunod sa batas at pagpapanatili ng integridad ng halalan.