Cavite Bus Rapid Transit, target simulan ang operasyon sa Setyembre

Nakatakdang simulan ng Megawide Construction Corp. ang partial operations ng Cavite Bus Rapid Transit (BRT) sa Setyembre, bago ang holiday season. Ayon kay Megawide CEO Edgar Saavedra, ang P1.87-bilyong proyekto ay naglalayong bawasan ang travel time ng mga pasahero ng halos kalahati sa pamamagitan ng dedicated bus lanes at scheduled trips.

“The construction will begin in Q2 (second quarter), and by September, partial operations will start. Full operations will be progressive, so we expect that to happen within two years of the partial opening,” ayon kay Saavedra.

Ang BRT ay magtatampok ng 37 stations at tatlong terminals na babagtas sa 42 kilometrong ruta sa Imus, General Trias, Tanza, Kawit, at Trece Martires. Sa unang phase ng operasyon, inaasahang aabot sa 10,000 katao ang arawang gagamit nito, habang inaasahang tataas sa 50,000 ang kapasidad kapag natapos na ang lahat ng istasyon.

“We will begin running it by September, and traffic will build up gradually. It will take around two years for the entire facility to be completed, but we will start even without all the stations — just the bus sheds,” dagdag pa ni Saavedra.

Bukod dito, ang proyekto ay ikokonekta sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang magbigay ng point-to-point link sa pagitan ng Cavite at Metro Manila, na layong mapadali ang biyahe ng mga pasahero.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MPOX Cases sa Davao City, lumilitaw na konektado sa HIV

Inihayag ng SPMC sa Davao City na 11 sa 14 na kaso ng Mpox sa kanilang ospital ay positibo rin sa HIV, posibleng dahil sa high-risk sexual behavior. Ipinaliwanag na ang Mpox ay naihahawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at intimate contact. Hinihikayat ng SPMC ang agarang pagkonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Samantala, tumaas ng 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas, na may 57 bagong kaso kada araw.