Cavite City pier, binuksan na sa publiko

Binuksan na sa publiko ang bagong pier na tinawag na ‘Unlad Pier’ sa Cavite City.

Ibinida ni Cavite City Mayor Denver Chua ang bagong pier ng Cavite City na layuning mapaunlad ang turismo sa lungsod.

Bagong Cavite City Pier. Photo via Denver Chua/Facebook.

Ayon kay Chua, magkakaroon ng biyahe mula Cavite City hanggang Corregidor Island at Mall of Asia.

“Isang malaking hakbang ito para sa pag unlad ng turismo sa ating lungsod dahil bukod sa maganda pumasyal dito ay soon magkakaroon na rin dito ng sakayan from Cavite City to Corregidor Island at Cavite City to Mall of Asia and vice versa,” aniya.

Matapos ang opening ng pier, sinundan ito ng libreng concert ng sikat na bandang ‘Itchyworms’ sa bagong amphitheater ng lungsod.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PNP, POGO operators, DOLE, Cavite LGUs sign MOU to protect POGO workers

The Philippine National Police (PNP), the Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine offshore gaming operators (POGO) companies, and local government units of Bacoor City, Kawit and Carmona have joined forces to strengthen law enforcement operations and address incidents involving these gambling firms in the province.