Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Cavite 1st District Representative Jolo Revilla sa Cavite State University (CvSU) sa ibinigay na parangal at inialay ang karangalan sa kanyang distrito at sa patuloy na paglilingkod sa bayan. “Ang karangalan pong ito’y alay ko sa ating Distrito at serbisyo-publiko,” wika niya.




Bilang bahagi ng kanyang talumpati, nagpaabot din ng pagbati ang kongresista sa Class of 2025 ng CvSU–Cavite City Campus, na aniya’y patunay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng kabataang Caviteño. “Nawa’y patuloy kayong magsilbing inspirasyon at huwaran, dala ang tatak ng edukasyon ng mga Caviteño,” dagdag pa niya.
Sa pagtatapos, binigyang-diin ni Revilla ang kahalagahan ng edukasyon bilang sandigan ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. “Mabuhay ang CvSU at Mabuhay ang Kabataang Pilipino!” panapos niyang pahayag.
Ang paggawad ng CvSU-Cavite City ng Honoris Causa kay Cong. Jolo Revilla ay hindi lamang pagkilala sa kanyang pamumuno, kundi isang paalala na ang tunay na paglilingkod ay nakaugat sa malasakit, dedikasyon, at pagmamahal sa bayan.