Corregidor tour via Cavite City Unlad pier, sinimulan na

Opisyal nang inilunsad ng Cavite City Tourism Office ang group tour sa Corregidor Island mula sa Unlad Pier, na inaasahang magpapalakas sa turismo at ekonomiya ng Cavite City. Pinangunahan ito nina Mayor Denver Chua, Cong. Jolo Revilla, at Vice Mayor Raleigh Rusit, na naniniwalang malaking hakbang ito para muling makilala ang lungsod bilang world-class destination.

Opisyal nang sinimulan ng Cavite City Tourism Office ang group tour patungong Corregidor Island mula sa Unlad Pier. Mainit na sinalubong ng pamahalaang lungsod ang unang batch ng mga turista, na karamihan ay mga dayuhan, na sasakay sa bagong rutang ito patungo sa makasaysayang isla.

Patunay ito na nananatiling world-class destination ang Corregidor, at inaasahang magdudulot ito ng panibagong sigla sa ekonomiya ng Cavite City, lalo na sa larangan ng turismo.

Itinuturing ng lokal na pamahalaan ang pagbubukas ng naturang ruta bilang isang malaking tagumpay sa layuning muling ipakilala ang Cavite City bilang isang pangunahing destinasyon, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

“Isang katuparan ng ating pangarap na muling kilalanin ang Lungsod ng Cavite sa larangan ng turismo — hindi lamang dito sa bansa, kundi pati na rin sa buong mundo!” saad ni Mayor Denver Chua sa kanyang Facebook post.

Pinangunahan ng mga opisyal ng lungsod ang pagsisimula ng tour, kabilang sina 1st District Representative Jolo Revilla, Mayor Denver Chua, at Vice Mayor Raleigh Rusit. Ayon sa kanila, ang pagbubukas ng Unlad Pier ay isang mahalagang hakbang para sa lungsod, dahil magbibigay ito ng mas maginhawa, mabilis, at episyenteng transportasyon para sa mga lokal na residente at mga bisita.

Total
0
Shares
Related Posts