Curfew sa mga menor de edad mahigpit na ipinatutupad sa Bacoor

Nagbigay ng paalala si Bacoor City Mayor Strike Revilla sa mga residente nito partikular na ang mga kabataan, magulang at mga barangay official na sumunod sa mga ipinatutupad na ordinansa sa lungsod kabilang na ang curfew.

Mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ng Bacoor ang curfew sa mga menor de edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, ayon kay Bacoor City Mayor Strike Revilla.

Canva Stock Photo

Pinaalalahanan ng alkalde ang mga magulang, kabataan, at barangay officials na sumunod sa mga inamyendahang City Ordinance No. 7 of 2002 patungkol sa curfew sa mga kabataan, at Ordinance No. 171 of 2021 o ang Child Development and Protection Code ng lungsod.

“Nakikiusap tayo sa lahat na makiisa sa adhikaing ito. Gayundin, ipinagbabawal po ang pagbebenta ng alak, sigarilyo, rugby at iba pang ‘addicting substances’ sa mga menor de edad,” ayon kay Revilla.

“Nakapaloob din ito sa ordinansa ng lungsod na pinagtitibay ang mga polisiya kaugnay ng mga karapatan ng kabataan, a revised version of the Bacoor Children’s Code. May karampatang parusa po ang mga lalabag dito,” dagdag pa ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

The state statistics bureau reported on February 7 that inflation increased in the previous month, which was unexpected as the government had predicted a slowdown. The increase was mainly due to higher costs for water, electricity, and housing rental rates, as well as the continued rise in the prices of food, vegetables, and non-alcoholic beverages.
Read More

Cavite commemorates National Flag Day

To commemorate National Flag Day, the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) led a flag-raising ceremony at the Dambana ng Pambansang Watawat in Alapan II-B, Imus City, on Monday, May 28.