DBP nagpahiram ng P500-M para sa construction ng ospital sa Cavite

Nagpahiram ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng P500 milyon upang suportahan ang konstruksyon ng level 2 hospital facility sa Alfonso, Cavite.

Nagpahiram ang Development Bank of the Philippines (DBP) ng P500 milyon upang suportahan ang konstruksyon ng level 2 hospital facility sa Alfonso, Cavite.

Photo courtesy of DBP News Room

Ayon kay DBP President and Chief Executive Officer Emmanuel G. Herbosa, ang credit assistance na ito ay proyekto ng kompanya para sa itatayong Ridgeview Hospital and Medical Center, Inc. bilang tugon sa demand ng healthcare services sa probinsya at iba pang karatig lugar.

Ayon pa sa kaniya, ang P395-M ay mapupunta sa construction ng ospital samantalang P105-M naman para sa mga medical equipment at machineries nito.

Dagdag pa ni DBP Vice President Paul D. Lazaro, naaprubahan umano ng kompanya ang kabuoang P37.5-billion loan sa ilalim ng kanilang DBP SHIELD program upang magpaabot ng tulong sa mga healthcare enterprises.

Ito rin ang inisyatibo nila upang maging accessible ang healthcare system sa bansa.

Wika pa niya, nakapagdagdag na umano sila ng humigit kumulang 8,300 beds sa mga medical facilities sa buong Pilipinas.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.