DOT sinuportahan ang pagpayag ng IATF sa leisure travels sa lahat ng edad

Sinuportahan ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan na ang leisure travel sa lahat ng edad sa NCR Plus Bubble papunta sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) simula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15.

Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, “On behalf of the DOT, I thank our colleagues in the IATF for this development. Allowing leisure travel for all ages from the NCR Plus Bubble to MGCQ Areas will surely help local tourism back on track towards recovery.”

Alinsunod sa IATF-EID Resolution No. 118A kailangan munang dumaan sa RT-PCR test at sumunod sa mga patakaran ng mga lokal na pamahalaan ang mga bibiyaheng mababa sa 18 gulang at lagpas 65 taong gulang. 

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang public briefing noong Hunyo 1, na ang nasabing pagluluwag sa mga requirement sa pagbiyahe ay para lamang sa point-to-point travel.

“We are looking forward to once again see our tourism destinations welcome tourists from the NCR Plus area. Of course, this has to be done with utmost precaution. The DOT shall continue to strengthen its coordination with our LGUs to ensure the strict compliance of health and safety protocols,” ani Puyat.

“We continue to count on travelers to comply with minimum health protocols. I know our kababayans have been wanting to go out and enjoy during the summertime, but let us practice responsibility to protect ourselves and the communities in your chosen destinations,” dagdag pa niya.

Thumbnail from La Playa Beach Resort.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts