Nakumpiska ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) ang mga frozen meat at agricultural products na nagkakahalaga ng P100 milyon sa isang warehouse sa Kawit, Cavite noong Hunyo 14.
Ayon sa DA, nagsagawa na ng raid ang mga awtoridad noong Mayo 31 kung saan napag-alamang may mga ginagawang ilegal na aktibidad sa isang warehouse sa naturang lugar.
“The composite team discovered that the warehouse leased by Vigour Global had been converted into cold storage facilities to conceal a large volume of frozen, regulated meat products, and other commodities,” ayon sa ahensya.
“The post-operation report to Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. and the DA Inspectorate and Enforcement office showed that 10 cold storage facilities were found concealed behind a false wall, obstructed by a van. Upon dismantling the false wall, the composite team uncovered cold storage rooms stocked with various items, including assorted meatballs, shabu-shabu items, beef and pork, chicken wings, siomai, assorted fish, pork belly, boneless pork, beef and Peking ducks,” paliwanag pa ng DA.
Dagdag pa ng ahensya, may kabuuang 98,000 kilograms ang nadiskubre sa inspeksyon na ang mga frozen products ay hindi naaayon sa pagkonsumo ng tao at labag ito sa Repucblic Act No. 10611 o ang Food Safety Act of 2013. “This should serve as a stern warning to unscrupulous traders that we will not stop in going after these illicit activities. We want to ensure that our farmers are not disadvantaged by these unfair and often illegal trade practices,” wika ni DA Sec. Tiu Laurel.