DTI magpapalabas ng bagong SRP para sa 62 na pangunahing produkto

Maglalabas ang DTI ng bagong SRP para sa 62 pangunahing produkto, kasama na ang delatang sardinas, gatas, tinapay, at iba pa. Ang presyo ng Pinoy Tasty ay tataas ng P3.50, habang ang Pinoy Pandesal ay magiging P27.25 mula sa P25.

Maglalabas ang DTI ng bagong SRP para sa 62 pangunahing produkto, kasama na ang delatang sardinas, gatas, tinapay, at iba pa. Ang presyo ng Pinoy Tasty ay tataas ng P3.50, habang ang Pinoy Pandesal ay magiging P27.25 mula sa P25.

“Two percent to nine percent, ganun yung range. Effective na ‘yun as far as the manufacturers are concerned, puede na sila magtaas. Sa consumer makikita nila pagtaas in the next few weeks in actual,” saad ng kalihim ng DTI. 

“Pag ni-review naman kasi mga raw material costs, grabe tinaas ng mga raw materials, lalo yung may mga imported components, grabe tinaas. Sixty-two SKUs lang ito out of thousands of items, hindi naman ito karamihan,” dagdag pa niya. 

Ayon naman kay Undersecretary Agaton Uvero, 62 na produkto lang ang pinayagang magtaas ng presyo mula sa 217 monitored na produkto. Ang bagong SRP ay ilalabas ngayong linggo, at wala nang pending na request para sa price adjustment.

Iginiit rin nito na inaprubahan ang pagtaas ng presyo matapos ang pagsusuri sa tumataas na gastos ng mga hilaw na materyales, lalo na ang mga produktong may imported component.

Photo 1- Bombo Radyo News

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PNP, POGO operators, DOLE, Cavite LGUs sign MOU to protect POGO workers

The Philippine National Police (PNP), the Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine offshore gaming operators (POGO) companies, and local government units of Bacoor City, Kawit and Carmona have joined forces to strengthen law enforcement operations and address incidents involving these gambling firms in the province.