Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek

Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.

Photo 1- WTA

Nanaig ang 19-anyos na Filipina tennis star na si Alex Eala, at nakamit ang semifinals slot sa isang WTA tournament matapos niyang talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek sa kanilang quarterfinals showdown, 6-2, 7-5, ngayong araw.

“Sobrang surreal kasi feeling ko ako pa rin yung exact same person na nasa photo na ‘yon, pero siyempre, nagbago na ang mga pangyayari. I’m just so happy and blessed na makalaban ko ang ganitong klaseng player sa stage na ito,” ani Eala matapos makapasok sa semifinals.

Naging makasaysayan ang kampanya ni Eala sa torneo matapos niyang talunin ang ilan sa mga malalaking pangalan sa kompetisyon. Nauna niyang pinataob si Katie Volynets (World No. 73) at sinundan ito ng panalo laban kay Jelena Ostapenko (World No. 25).

“I’m in complete disbelief right now. I’m on cloud nine. My coach told me to run, to go for every ball, take all the opportunities I can because [a] 5-time Grand Slam champion is not gonna give you the win.” dagdag pa nito.

Sa susunod na laban, makakaharap ni Eala si Jessica Pegula (World No. 4) na tinalo ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu para makamit ang kanyang ikatlong semifinals appearance sa Miami Open.

Total
0
Shares
Related Posts