Eleksyon sa Kawit payapang naisagawa

Walang naitalang insidente na may kinalaman sa nagdaang eleksyon sa Kawit, Cavite noong Oktubre 30.

Walang naganap na insidente sa bayan ng Kawit sa mismong araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa mga awtoridad.

Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Mayor Angelo Aguinaldo sa mga Kawiteño kaugnay nang mapayapa at maayos na eleksyon.

“Una, hayaan po ninyong pasalamatan ko kayo sa mapayapa at maayos na Barangay elections nitong Lunes. Patunay po ito na mataas na ang kamalayan natin sa pagpili ng mga lingkod bayan sa mahal nating Kawit,” ani Aguinaldo.

Nagpaabot din ang alkalde ng pagbati sa mga nagwagi sa nasabing eleksyon.

“Binabati ko po ang mga napili ninyo upang ipagpatuloy ang paghahatid ng tunay na Puso at Malasakit sa mga barangay natin, mula sa Kapitan hanggang sa pinakahuling Kagawad ng Sangguniang Kabataan, kayo ang mga unang tagapagtanggol ng tunay at ganap na paninilbihan sa mga taong humahanap ng pag-asa,” aniya.

“Lubos kong inaasahan na kayo ay makatuwang namin kasama nila Vice Mayor Junbie Samala, Congressman Jolo Revilla at mga Konsehal ng Bayan upang madama ng mga tao na wala tayong ibang nais kung hindi ang maihatid ang kagyat na serbisyong pampubliko,” dagdag pa ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

‘Senate proves flaw on PH democracy on Sara Duterte impeachment case’

The International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) Chairperson, Peter Murphy, has criticized the Philippine Senate's return of Vice President Sara Duterte's impeachment articles to the House, calling it a "blot on Philippine democracy." Murphy highlighted concerns over trial delays and potential cancellation, emphasizing the well-founded nature of the impeachment grounds, which include misuse of funds, unexplained wealth, and betrayal of public trust. He noted strong public and institutional support for the trial's continuation, urging the Senate to uphold its constitutional duty amidst protests. Murphy also called on the international community to uphold democratic standards and cease military aid to the Marcos Jr. administration, which he described as a "rogue state."