Ex-Mayor Alice Guo nakatakas sa PH sa kabila ng travel restrictions

Ibinulgar ni Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros na nakatakas na patungong ibang bansa ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo noong Hulyo 17, 2024 sa kabila ng mga ipinataw na travel restrictions.

Ibinulgar ni Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros na nakatakas na patungong ibang bansa ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo noong Hulyo 17, 2024 sa kabila ng mga ipinataw na travel restrictions.

Sa privilege speech sa Senado, isiniwalat ni Hontiveros na ginamit ni Guo ang kanyang Philippine passport upang makalabas ng Pilipinas at dumating sa Kuala Lumpur, Malaysia kinabukasan, Hulyo 18, 2024, ganap na 12:17 ng hapon.

Ayon sa senadora, matapos makalabas ng bansa, nagtungo si Guo sa Singapore upang makasama ang kanyang pamilya.

Dagdag pa niya, batay sa impormasyong kanyang natanggap, ang mga magulang ni Guo na sina Guo Jian Zhong at Lin Wen Yi, ay dumating sa Singapore mula China noong Hulyo 28, 2024, para makipagkita sa kanilang anak.

Kasama rin sa nasabing “reunion” ang kapatid ni Guo na si Wesley Guo at ang nobyang niyang si Cassandra Ong, na sinasabing kinatawan ng Lucky South 99, isang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Buong pagtatakang nagtanong si Hontiveros kung paano nakalabas si Guo ng bansa sa kabila ng pangakong ibinigay ng Bureau of Immigration na haharangin nila ang anumang tangkang pag-alis nito.

Dahil dito, inihayag ng senadora ang kanyang plano na imbestigahan ang mga posibleng pagkukulang ng ilang law enforcement agencies na maaaring nagbigay-daan sa pagtakas ni Guo.

Giit ni Hontiveros, malinaw na may tulong mula sa loob ng gobyerno kaya’t nagawa ni Alice Guo na makaalis ng bansa kaya saad niya, kailangan matukoy kung sino ang nasa likod nito upang mapanagot.

Dagdag pa niya, ang kawalan ng aksyon mula sa mga ahensya ng pamahalaan sa kasong ito ay isang malaking insulto sa integridad ng ating batas at sistema ng hustisya.

Thumbnail photo courtesy of Senator Risa Hontiveros / FB

Total
0
Shares
Related Posts