Food Carts ipinamigay sa 30 benepisyaryo ng 4P’s sa Noveleta

Pinagkalooban ng food carts ng lokal na pamahalaan ng Noveleta ang 30 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa kanilang bayan.

Pinagkalooban ng food carts ng lokal na pamahalaan ng Noveleta ang 30 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa kanilang bayan.

Ang Tulong Puhunan Program na ito ay parte ng “Unlad Noveleta: Maunlad na Bayan na may Maunlad na Mamamayan” na naglalayong matulungan ang mga may interes sa pagnenegosyo ngunit kulang sa kapital.

Sa Facebook Post ni Noveleta Mayor Dino Chua, sinabi niyang hangad umano niya na mabigyan ng kabuhayan ang mga 4P’s member na ito sa gitna ng pandemya. 

Dagdag pa ni Chua, nakatapos din umano ang mga beneficiaries sa ‘Food Cart Training’ seminar. 

Nabuo ang naturang proyekto sa pagtutulungan ng Hezekiah Vocational and Technological Training Institute (HVTTI), DSWD Office at pamahalaang bayan ng Noveleta. 

Pinangunahan ng alkalde ang turn over ceremony ng food carts na naglalaman ng kompletong kagamitan at paninda kasama ang mga kinatawan ng DSWD at HVTTI. 

“The food carts will be deployed in different barangays,” ani Chua sa isang panayam.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Corregidor tour via Cavite City Unlad pier, sinimulan na

Opisyal nang inilunsad ng Cavite City Tourism Office ang group tour sa Corregidor Island mula sa Unlad Pier, na inaasahang magpapalakas sa turismo at ekonomiya ng Cavite City. Pinangunahan ito nina Mayor Denver Chua, Cong. Jolo Revilla, at Vice Mayor Raleigh Rusit, na naniniwalang malaking hakbang ito para muling makilala ang lungsod bilang world-class destination.