Higit P1.2M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Bacoor City

Tinatayang aabot sa mahigit P1.2 milyong ang nasabat na hinihinalang shabu at hinihinalang ecstasy sa ikinasang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacoor City, nitong Sabado, Mayo 11.

Kinilala ang suspek na si alyas Haron, 29 ng Brgy Balibago, Angeles City na naaresto bandang alas 12:20 ng tanghali sa isang parking lot ng mall sa Habay II Bacoor, Cavite.

Ayon sa report ng PDEA, kanilang natimbog ang isang high-value drug personality kung saan nakumpiska rito ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu at 503 pirasong kulay asul na tableta na hinihinalang ecstasy at buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Alfonso LGU to start social housing project

The local government of Alfonso has signed a partnership agreement with the Social Housing Finance Corporation (SHFC) for its community mortgage program to assist its citizens to purchase and develop a tract of land under the concept of community ownership.