Home learning kits, ipinamahagi sa mga mag-aaral ng elementarya sa Imus

Tumanggap ang ilang mag-aaral ng Malagasang II Elementary School sa Imus City ng Home Learning Spaces Kit na magagamit nila sa kanilang pag-aaral habang sumasailalim sa kasalukuyang learning setup.

Namahagi ng Home Learning Spaces Kit ang paaralan ng Malagasang II Elementary School sa piling sampung mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 noong Abril 18.

Ayon sa kanilang Facebook post, layon nito na itaguyod ang Sulong EduKalidad ng Department of Education (DepEd) at suportahan ang programang “Bawat Bata Bumabasa at Brigada Pagbasa” ng Schools Division Office (SDO) ng Imus City.

Binigyan ng Home Learning Spaces Kit ang ilang mag-aaral ng Malagasang II Elementary School noong Abril 18.
Deped Tayo Malagasang II ES – Imus City

Saad ng nasabing paaralan, bawat learning kit ng mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 1 ay may kasamang folding table, chair, rechargeable lamp, pocket WiFi, storage box at school supplies na mula sa pondo ng External Partnerships Service ng Central Office.

Bukod sa learning kits na ipinamahagi rin sa Grade 2 at 3, namahagi rin ang kumpanya ng Bear Brand ng mga armchair at ang school supplies naman ay galing sa Program Support Fund for Partnership and Linkages.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Principal IV, Dr. Jocelyn A. Limosinero sa mga tulong na ipinamahagi para sa naturang programa.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts