Iba’t ibang aktibidad para sa Father’s Day tampok sa Imus

Sa papalapit na pagdiriwang ng Father’s Day ngayong taon, narito ang ilan sa mga pakulo ng lokal na pamahalaan ng Imus para ipakita ang pagmamahal sa mga natatanging haligi ng tahanan.

Sa papalapit na pagdiriwang ng Father’s Day ngayong taon, narito ang ilan sa mga pakulo ng lokal na pamahalaan ng Imus para ipakita ang pagmamahal sa mga natatanging haligi ng tahanan.

TIKTOK PARA KAY TATAY: FATHER’S DAY GIVEAWAY

Tiktokers! Maaaring ipakita ang inyong pagmamahal kay tatay sa malikhaing paraan. Gamit lamang ang Tiktok at Facebook account, maaaring mapabilang sa 30 kalahok na mananalo ng espesyal na regalo mula sa lokal na pamahalaan ng Imus sa darating na Linggo. Sundin lamang ang ang mga nakasulat sa poster:

Photo courtesy by Emmanuel Maliksi Facebook Page

“Sabay-sabay tayong gumawa ng Tiktok para kay Tatay,” ani Mayor Emannuel Maliksi sa kaniyang Facebook post. 

FATHER SAVES MOTHER EARTH

Photo courtesy by Emmanuel Maliksi Facebook Page

Magsasagawa ng Tree Planting Activity ang lokal na pamahalaan ng Imus katuwang ang Inner Wheel Club of Mutya ng Imus maging ang Rotary Club ng lungsod sa Dambana ng Pambansang Watawat (Imus Heritage Park) sa darating na Sabado (Hunyo 19).

Inaanyayahan ng alkalde ng lungsod ang publiko na samahan sila sa aktibidad na ito. 

“Maging kaisa ng ating adbokasiya para sa kalikasan at magtaguyod ng mas magandang kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon,” sabi ni Maliksi sa kaniyang Facebook post. 

LODI KO SI TATAY

Madali lamang ang pagsali, mga Imuseño!

Mangyari lamang na mag-post ng inyong selfie kasama ang inyong tatay. Sa caption, kumpletuhin ang “Lodi ko si Tatay (pangalan) dahil _____________,” at ilagay ang iyong mensahe para sa kanya. 

Siguraduhing naka-public ang naturang post. Gamitin din ang mga hashtags na: #LodiKoSiTatay #SerbisyongMaliksi

Iaanunsyo ang mga maswerteng mananalo sa Maliksi Live sa darating na Sabado.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang MERALCO, kumite ng P25.5B sa unang kalahati ng 2025

Tumaas ng 10% ang kita ng Meralco sa unang kalahati ng 2025, na umabot sa P25.5 bilyon. Dahil ito sa matatag na kita mula sa power generation at retail electricity. Kumpiyansa si Chairman Manuel Pangilinan na aabot sa P50 bilyon ang core net income sa pagtatapos ng taon. Patuloy din ang pagpapalawak ng kumpanya, kabilang ang pagtatayo ng Atimonan Energy Power Plant at battery energy storage systems sa Cebu.