Ikalawang mega vaccine hub ng Bacoor binuksan na

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Bacoor City ang unang araw ng pagbabakuna sa ikalawang pinakamalaking vaccination center sa lugar.
Larawan ng mga health care workers na matagumpay na nabakunahan sa Bacoor Elementary School. Photo via City Government of Bacoor Facebook post

BACOOR CITY­­­, Cavite – Pormal nang binuksan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Bacoor ang pagbabakuna sa ikalawang mega vaccination hub sa Bacoor Elementary School noong Marso 22.

Ayon sa Facebook post ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, mayroong 154 healthcare workers ang nabakunahan sa unang araw ng naturang ikalawang vaccination center sa Barangay Alima, habang kasabay nito ang 239 healthcare workers na nabakunahan sa Bacoor Coliseum.

Umabot sa 393 healthcare workers ang kabuuang bilang ng mga na nabakunahan sa dalawang mega vaccination center ng lungsod.

Nagsagawa rin ng pagbabakuna sa Bacoor Coliseum kasabay ng unang araw pagbabakuna sa Bacoor Elementary School. Photo via City Government of Bacoor Facebook post

Base rin sa Facebook post ng City Government of Bacoor, magpapatuloy ang proseso sa mga healthcare workers hanggang sa mabakunahan na ang iba pang sektor batay sa listahan ng mga prayoridad na sektor na inanunsyo ng pamahalaan.

“Umantabay lamang sa announcements kung kailan at kung sino na ang mga sunod na mababakunahan. Uunahin pa din natin ang ating mga frontliners sa pagbabakuna. Tandaan na ito ay libre, mabisa at rekumendadong bakuna para sa mga Bacooreño,” ani Revilla sa kanyang post.

Total
6
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts