Ilang patay na pusa sa cat shelter sa Dasma kinakain ng kapwa pusa

Kalunos-lunos ang nakita ng isang concerned citizen sa isang cat shelter sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong kainin ng mga pusa ang kapwa nila pusa.

Kalunos-lunos ang nakita ng isang concerned citizen sa isang cat shelter sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong kainin ng mga pusa ang kapwa nila pusa.

Posted by Yvette May on Saturday, March 16, 2024

Sa social media post na ibinahagi ni Yvette Mayo, na siyang kumuha ng video, nasaksihan niya ang mga buto at patay na pusa na kinakain ng buhay na pusa, kung saan pansin ang hindi tamang pag-aalaga sa mga ito.

Galit na galit si Yvette nang makita ang animal cruelty, kung saan pinakita rin nito na ang mga dumi ng pusa ay hindi nalilinis at wala rin itong tubig at pagkain.

Dagdag pa niya, nagbigay siya ng tatlong sako ng cat food sa nasabing cat shelter ngunit ipinagtataka niya kung saan napupunta ang kanyang ibinigay nang madalaw na walang pagkain at inumin ang mga pusa.

Sa pakikipag-uusap ni Yvette sa kapitan at konsehal ng lungsod, napagkasunduan nilang ipatigil muna ang panghuhuli ng mga pusa hanggang hindi pa naayos ang sistema at ang problema.

Sa kabilang banda, nanindigan naman ang kapitan ng barangay na si Jeff Frani na hindi nila pinababayaan ang mga pusa at dalawang beses pa raw nila itong pinakakain sa isang araw.

Ayon cat shelter, isa sa mga tinitignan nilang dahilan kung bakit namatay ang mga pusa ay ang pag-aaway ng mga ito dahil sa posibilidad na agresibo ang mga pusa kapag pinakakain.

Samantala, nagpahayag naman ng kumento ang beterinaryong si Dr. Ferds Recio na posibleng matinding gutom ang naranasan ng mga pusa sa napanood niyang video.

Inaaksyunan na ng Dasmariñas City Veterinarian Office ang cat shelter sa Barangay San Jose upang magsiyasat at mag-imbestiga kung may kapabayaan bang nangyari.

Nagpaalala naman ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na huwag matakot kung may nakakita man sila ng animal cruelty.

“Kung nahihirapan silang mag-file ng kaso, puwedeng lumapit sa PAWS. Libre naman ang legal assistance,” saad ni Anna Cabrera, executive director ng PAWS.

Sakaling mapatunayan na nagkaroon ng kapabayaan at pang-aabuso, haharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang mga opisyales ng nasabing barangay.

Total
0
Shares
Related Posts