Imus nakapagturok na ng higit 391,000 COVID-19 bakuna

Umabot na sa kabuuang 391, 026 doses na ang naiturok sa lungsod ng Imus sa pagpapatuloy ng kanilang programa kontra COVID-19.

Sa pagpapatuloy ng vaccination program sa Imus, inaasahan ng pamahalaang lokal na mapapataas pa ang bilang ng mga mababakunahan sa lungsod.

Ayon sa Facebook post ni Mayor Emmanuel Maliksi, nasa 212,551 na ang nagamit para sa unang dose ng bakuna at 178,475 naman sa ikalawang dose. Sa kabuuan, may 391,026 doses na ang naiturok sa mga mamamayan nito. 

Bilang paghihikayat na makiisa ang mga residente nito sa kanilang vaccination program, pinapayagan rin ang mga walk-in sa kanilang mga vaccination sites tulad ng Imus Sports Complex, Maharlika, at Drive-thru sa Robinson’s Place Imus. 

“Sama-sama nating ituloy ang pagsulong sa ating layuning makamit ang herd immunity sa Imus. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating vaccination program,” wika ng alkalde.

Thumbnail photo by cottonbro from Pexels

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Unity walk at Miting de Avance ng Team Puso at Malasakit, isinagawa sa Kawit, Cavite

Nagsagawa ng Unity Walk at Miting de Avance si mayoral candidate Armi Aguinaldo ng Team Puso at Malasakit, kasama si Congressman Jolo Revilla, sa Kawit, Cavite. Dumalo ang libo-libong Kawiteño at 22 Punong Barangay, na nagpapakita ng kanilang suporta sa tambalan. Naglabas din ng abiso ang grupo tungkol sa pansamantalang pagsasara ng kalsada para sa aktibidad.