Isang Australian natagpuang patay sa Hotel sa Tagaytay

Natagpuang wala nang buhay ang tatlong katao, kabilang ang isang Australian, sa isang hotel sa Barangay Maharlika East, Tagaytay City nitong Miyerkules, Hulyo 10.

Natagpuang wala nang buhay ang tatlong katao, kabilang ang isang Australian, sa isang hotel sa Barangay Maharlika East, Tagaytay City nitong Miyerkules, Hulyo 10.

Batay sa ulat ng Tagaytay City Police, nakatali ang mga kamay at paa ng mga biktima gamit ang electrical cord at sintas ng sapatos at may tape ang kanilang mga bibig nang sila ay matagpuan.

Kinilala ang mga biktima na sina David James Fisk, Lucita Barquin Cortez, at May Jane Cortez na mula sa Oriental Mindoro.

Ayon rin sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-12:30 ng hapon nang umakyat ang staff ng hotel sa kanilang kwarto upang abisuhan sila sa kanilang nakatakdang check-out. Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanya ang mga bangkay.

Nakita naman sa CCTV footage ang isang lalaking suspek na lumabas mula sa kuwarto ng mga biktima at agarang umalis.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki nahati ng katawan matapos masagasaan at makaladkad sa General Trias, Cavite

Isang bus konduktor ang nasawi sa isang aksidente sa General Trias, Cavite matapos ma-hit-and-run ng isang kotse at makaladkad ng dump truck. Arestado na ang driver ng kotse habang pinaghahanap pa ang driver ng dump truck. Dahil sa insidente, nakikipag-ugnayan ang barangay sa LGU at provincial government upang maglagay ng mga early warning devices at muling pinturahan ang mga pedestrian lanes para maiwasan ang kaparehong trahedya.