Jackpot sa Lotto solong napalunan ng isang Caviteño

Isang 50-year-old na manggagawa mula sa Cavite ang nakakuha ng jackpot prize na Php46,011,957.80 sa Megalotto 6/45 na binola noong April 22.

Isang 50-year-old na manggagawa mula sa Cavite ang nakakuha ng jackpot prize na Php46,011,957.80 sa Megalotto 6/45 na binola noong April 22.

Kaugnay nito, inihayag ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) ang winning combination na 33-17-40-09-42-20 na nabili sa LLML COMM Bldg, Magallanes, Cavite.

Bago makuha ng nanalong mananaya ang kanyang premyo ay kailangang nitong magprisinta ng kanyang winning ticket at dalawang balidong ID.

Bukod dito, tiniyak din ng PCSO na ang lahat ng premyong hindi maki-claim ng mga mananaya sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pagbola ay awtomatikong mawawala sa kanila at ililipat sa Charity Funds ng ahensya.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration Inclusion law ay lahat ng Lotto winnings na higit P10,000 ay papatawan ng 20 porsyentong buwis.

Total
0
Shares
Related Posts