Jolo Revilla muling kinilala bilang Top Performing Representative sa CALABARZON

Kinilala bilang isa sa Top Performing District Representatives si Congressman Jolo Revilla sa buong CALABARZON matapos lumabas ang survey na “Boses ng Bayan” na isinagawa ng RP-Mission Development Foundation (RPMD) para sa unang quarter ng taon.

Kinilala bilang isa sa Top Performing District Representatives si Congressman Jolo Revilla sa buong CALABARZON matapos lumabas ang survey na “Boses ng Bayan” na isinagawa ng RP-Mission Development Foundation (RPMD) para sa unang quarter ng taon.

RP Mission Development Foundation

Nagtala ang 1st District Representative ng Cavite ng 89.7% na performance score.

“Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala! Muli na naman po tayong nanguna sa Top Performing Representatives sa CALABARZON. Mananatili po kayong inspirasyon sa aking walang kapagurang pagtatrabaho at paghahatid ng serbisyo,” saad ng kongresista sa kanyang Facebook post.

Sa kabilang banda, nakapasok rin sa listahan si Cavite 8th District Representative Aniela Tolentino na nakalikom ng 84.4% performance score.

Nakapasok rin si Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla na nakakuha ng 82.5% na puntos sa nasabing survey. Lubos na nagpapasalamat si Cong. Revilla sa kanyang pangunguna sa listahan, matapos na makuha niya rin ang parangal na Outstanding Public Servant noong nakaraang taon.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CvSU-Kawit Itatayo na: Mayor Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinangunahan ang pagpaplano

Inanunsyo ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite ang pagtatayo ng bagong kampus ng Cavite State University (CvSU) sa kanilang bayan, sa pakikipagtulungan kay Congressman Jolo Revilla. Layunin nitong magbigay ng mas abot-kayang edukasyon sa mga kabataan ng Kawit at karatig-lugar, kasabay ng planong pagtatayo ng bagong munisipyo at Tangulan Arena para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.