Kasalang Revilla-Patricio dinuluhan ng mga celebrity, politikong tatakbo sa 2022 national elections

Naging usap-usapan sa social media ang pagdalo ng ilang mga kilalang artista at politiko sa kasal nina Gianna Revilla at Jed Patricio noong Nobyembre 10 sa Silang, Cavite.

Dinaluhan ng mga kilalang personalidad ang kasal ni Gianna Revilla, anak ng celebrity couple at politicians na sina Bong Revilla at Lani Mercado-Revilla, sa long-time boyfriend nito na si Jed Patricio, noong Miyerkules, Nobyembre 10.

Ginanap ang naturang kasal sa isang farm ng mga Revilla sa Silang, Cavite.

Naging usap-usapan naman sa social media ang pagdalo ng ilang mga artista at  pulitikong tatakbo sa 2022 national elections. Kabilang sa mga ito ay sina Davao City Mayor, Sara Duterte-Carpio, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Ronald Dela Rosa, Phillip Salvador, Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Pia Cayetano, at iba pa. Dumalo rin ang ilan sa mga kilalang personalidad sa lalawigan ng Cavite tulad na lamang nina Governor Jonvic Remulla, ang kapatid ni Gianna na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, Noveleta Mayor Dino Chua, at iba pa.

Naging emosyonal naman ang amang si Bong Revilla sa kanyang Facebook live at ipinakita ang mga kaganapan sa kasal ng kanyang anak.

Photo courtesy of Mayor Lani Mercado-Revilla’s Facebook Page

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

One month income tax holiday isinusulong ni Sen. Tulfo sa gitna ng isyu sa flood control projects

Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1446 o ang “One-Month Tax Holiday of 2025,” na magbibigay ng isang buwang income tax exemption sa mga manggagawa, bilang tugon sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Layunin nitong maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno. Hindi kasama sa exemption ang mandatoryong kontribusyon, at ipinatupad ang non-diminution clause para matiyak na hindi mababawasan ang sahod ng mga empleyado.