Kawit LGU naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina

Nagkaloob ng pagkain bilang paunang tulong ang lokal na pamahalaan ng Kawit sa mga residente nitong apektado ng bagyong Carina.

Naghatid ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Kawit, Cavite sa mga residenteng nasalanta na pansamantalang nanunuluyan sa evacuation areas dulot ng bagyong Carina.

“Buong puso’t malasakit din po tayong nakahanda para sa iba pang emergency at incident na maaaring maging dulot ng ating nararanasang sama ng panahon,” ayon kay Mayor Angelo Aguinaldo.

Bukod pa rito, naglibot ang alkalde sa bayan kasama sina Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, Kawit Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ilang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan upang alamin ang kalagayan ng mga apektado ng bagyo.

“Para sa ating mabilis na #AksyongAngeloAguinaldo, pwede niyo po kayong mag-message sa ating page or tumawag sa ating emergency hotlines: 09358432745, 440-0722,” aniya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.