Kawit nakamit na ang COVID-19 herd immunity

Nakamit na ng lokal na pamahalaan ng Kawit ang herd immunity kontra COVID-19 nitong Disyembre 14, ayon sa Rural Health Unit ng munisipalidad. 

Photo courtesy by Mayor Angelo Aguinaldo FB Page

Ayon sa datos, 70 porsyento na ng kabuuang populasyon ang nabakunahan laban sa sakit sa pamamagitan ng kanilang malawakang #TaasManggasKawit program.

Nasa 84.66 porsyento na Kawiteno na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna at 72.09 porsyento naman ang may kompletong dose.  

“Napakagandang Aguinaldo po nito sa ating bayan ng balitang ito lalo na at papalapit na ang Pasko, mas ligtas po nating maipagdiriwang ang ating Kapaskuhan,” ani ni Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook post. 

Dagdag pa ng alkalde, hindi umano nila maaabot ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa mga frontliners na siyang nangunguna sa pagprotekta sa mga Kawiteño.

Pinaalalahanan pa rin ng alkalde na sumunod ang lahat sa mga health para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. 

Matatandaang noong Nobyembre 17, masayang inanunsyo ni Aguinaldo na zero cases na ang bayan pagkatapos gumaling ng apat na natitirang active case sa lugar matapos ang disease surge noong Abril 2020. 

(Basahin: Kawit posts zero active COVID-19 cases)

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa bayan. Nagsasagawa na rin ng booster vaccination sa A1, A2, at A3 categories. 

Magandang Kawit po sa ating lahat! BOOSTER DOSE FOR A1 to A3 KAWITEÑOS Kung ikaw ay nabakunahan ng 2nd dose sa mga…

Posted by Kawit Rhu on Monday, December 6, 2021
Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Romualdez naghain ng panukala para sa cash-based budget system

Ipinagpapatuloy ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtulak sa House Bill No. 11, o ang Budget Modernization Act. Layunin nitong magpatupad ng cash-based budgeting system sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Ang panukala ay magpapahintulot lamang ng pagpopondo sa mga proyektong matatapos sa loob ng isang fiscal year, upang masiguro ang mabilis na serbisyo, epektibong paggasta, at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang paggamit ng digital financial at monitoring systems.
Read More

3 magkakaanak, patay sa pananaksak sa Kawit

Malagim ang sinapit ng isang pamilya sa Brgy. Congbalay-Legaspi sa bayan ng Kawit kahapon, Nobyembre 28 matapos masawi ang tatlong miyembro nito dahil sa pananaksak ng isang suspek na di umano’y lulong sa ilegal na droga.