Lalaki arestado matapos itakas ang fire truck sa Bacoor

Arestado ang isang lalaki matapos nitong tangayin ang fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bacoor City, Cavite noong Biyernes ng hapon.

Arestado ang isang lalaki matapos nitong tangayin ang fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bacoor City, Cavite noong Biyernes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Mark Daras, 40, isang driver ng Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City.

Ayon sa ulat ng pulisya, naiwan umano ng kawani ng BFP na nakakabit ang susi sa loob pagkatapos nitong linisin ang sasakyan sa harap ng BFP San Nicolas Sub-station nang umakyat ito sa opisina bandang alas-2:30 ng hapon.

Nang bumaba umano siya ay wala na ang truck sa harap ng istasyon.

Agad namang humingi ng tulong ang kawani sa Bacoor Police Station.

Agad namang nahuli ang suspek habang minamaneho ang sasakyan.

Thumbnail photo from Abante

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Noveleta LGU nanatiling drug-free workplace

Nagsagawa ng surprise drug test ang LGU Noveleta sa lahat ng kawani nito noong Setyembre 17, 2025, bilang pagsunod sa Republic Act No. 9165. Lahat ng empleyado ay nagnegatibo, na nagpapatunay ng integridad ng serbisyo publiko. Tiniyak ng LGU na ipagpapatuloy nila ang mga programa upang manatiling drug-free workplace ang munisipyo.