Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27. 

Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker. 

Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril.

Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon. 

Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message. 

“Sabi ko, ‘Pare, magkumpare tayo, inaanak mo ang anakko, ninong ka ng anak ko,” ani ni Basilan sa panayamkasama ang GMA News.

Humingi naman ang suspek ng tawad sa nagawa dahilumano sa “bugso ng damdamin” at “pagmamahal saasawa.”

Nakatakda namang kasuhan ng murder case si Basilan.

Thumbnail photo from Maxim Hopman on Unsplash.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MMDA inilabas ang Top 20 traffic violations sa Metro Manila

Inilabas ng MMDA ang top 20 paglabag sa trapiko sa Metro Manila mula Enero hanggang Abril 2025, na naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Nanguna ang disregarding traffic signs at illegal parking. May kaukulang multa at parusa ang bawat paglabag, na naglalayong paigtingin ang disiplina sa kalsada at mapaluwag ang trapiko.