Lapu-Lapu Festival ng mga Pinoy sa Canada nauwi sa aksidente

Isang trahedya ang naganap sa Vancouver, Canada kung saan inararo ng sasakyan ang mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival, na ikinasawi at ikinasugat ng ilan. Nagpahayag ng kalungkutan si Mayor Ken Sim at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad. Nagpaabot din ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Labis na nagluluksa ang komunidad ng mga Pilipino sa Vancouver, Canada matapos ang isang trahedya kung saan inararo ng isang sasakyan ang mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival, na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng ilang indibidwal.

Nanawagan si Mayor Ken Sim ng mas mahigpit na seguridad sa mga pampublikong pagtitipon, kasunod ng kanyang pahayag na siya ay “shocked and deeply saddened” (nabigla at labis na nalungkot) sa nangyari. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber na sangkot sa insidente habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney kaugnay ng trahedya.

“I offer my deepest condolences to the loved ones of those killed and injured, to the Filipino Canadian community, and to everyone in Vancouver,” (Ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi at nasugatan, sa komunidad ng mga Pilipinong Canadian, at sa lahat sa Vancouver) ang kanyang pahayag sa kanyang Twitter post.

Patuloy na isinasagawa ng mga awtoridad ang masusing imbestigasyon, at sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmadong bilang ng mga nasawi at nasugatan sa naganap na insidente.

Photo via: CDN/Digital

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Rep. Jolo Revilla nanawagan ng agarang pagpasa ng mga panukala laban sa kawalan ng trabaho 

Nanawagan si Cavite Rep. Jolo Revilla sa Kongreso na apurahin ang mga panukalang batas para sa trabaho dahil sa 2.27 milyong unemployed Filipinos noong Hulyo. Kabilang sa kanyang isinusulong ang HB 2985, na magpapapermanente sa TUPAD Program ng DOLE, at ang HB 481 o ang Barangay Skilled Workers Registry, na lilikha ng database para sa mas mabilis na job matching.