Leni Robredo inilunsad ang Angat Pinas program

Opisyal nang inilunsad ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang pinakamalawak na non-government organization (NGO) sa bansa, ang Angat Pinas Incorporated sa Team Leni-Kiko headquarters sa Quezon City noong Hulyo 1.

Opisyal nang inilunsad ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang pinakamalawak na non-government organization (NGO) sa bansa, ang Angat Pinas Incorporated sa Team Leni-Kiko headquarters sa Quezon City noong Hulyo 1.

Photo courtesy by Atty. Leni Robredo’s FB Page

Ito ay ang pagpapatuloy ng kaniyang anti-poverty “Angat Buhay” program na nasimulan noong siya ay bise-presidente pa lamang. 

Ayon kay Robredo, inaprubahan umano ang pangalan na Angat Pinas Incorporated, subalit ang mga programa at proyekto ay tatawagin pa ring Angat Buhay program.

Inilatag ng dating Bise Presidente ang iba’t ibang proyekto ng Angat Buhay, kabilang na ang pagtugon sa problema sa kalusugan, food security, universal health care, nutrisyon, edukasyon, at pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.

Ipagpapatuloy din umano ni Robredo ang mga proyektong nasimulan na tulad ng pagpapatayo ng dormitoryo sa mga pampublikong paaralan at community learning hub.

Kasama sa paglulunsad ang mga dating partners sa Office of the Vice President na siyang magiging katuwang din ni Robredo sa Angat Pinas program.

Ayon sa kaniya, hindi pa rin natitibag ang essence of volunteerism na ipinakita ng kaniyang mga supporters noong kampanya.

“Hindi po tayo failure noong eleksyon. Naging matagumpay tayo kasi, because of the campaign, we were able to start this spirit of volunteerism–all over the country.”

Kalakip sa paglulunsad ay ang fundraising exhibit tampok ang pagbebenta ng mga paintings na natanggap ni Robredo sa kampanya bilang dagdag sa magiging pondo ng sa kanilang mga programa.

Nakakataba po ng puso ang inyong suporta para sa pagsalubong natin sa bagong kabanata ng Angat Buhay! Unang araw pa…

Posted by Atty. Leni Robredo on Friday, July 1, 2022

Mayroon ding Museo ng Pag-asa si Robredo, kung saan tampok ang mga regalo sa kaniya ng mga taga-suporta noong kampanya.

Photo courtesy by Atty. Leni Robredo FB Page

“Hindi dapat masayang ang nasimulan natin. Hindi man tayo nagwagi, nagtagumpay pa rin tayo. I am sure na we really started something very special during the campaign,” dagdag pa niya.

Maaari na ring bisitahin ang Angat Buhay App upang makita kung saan maaaring makapag-donate ng pondo para sa kanilang mga programa.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

The state statistics bureau reported on February 7 that inflation increased in the previous month, which was unexpected as the government had predicted a slowdown. The increase was mainly due to higher costs for water, electricity, and housing rental rates, as well as the continued rise in the prices of food, vegetables, and non-alcoholic beverages.
Read More

‘Atin ang West Philippine Sea’ – PBBM

Nakatanggap ng malakas na palakpakan at standing ovation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ipaglaban ng kanyang administrasyon ang soberanya ng bansa patungkol sa West Philippine Sea sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ngyong araw, Hulyo 22.