Mayor Angelo Aguinaldo, tinupad ang pabuya sa pagkamatay ng isang siklista matapos ang tatlong Taon

Matapos ang tatlong taong imbestigasyon, natukoy at naaresto na ang suspek sa pamamaril ng siklistang si Kenneth Adrian Ponce, na walang awang pinaslang sa Advincula Road noong Oktubre 2021.

Bilang pagtupad sa pangako, ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Kawit, sa pangunguna ni Mayor Angelo Emilio G. Aguinaldo, ang PHP 200,000 pabuya sa testigong nagbigay ng mahalagang impormasyon na naging susi sa pagkakahuli ng suspek.

“Ikinagagalak po naming tuparin ang ipinangakong pabuya na nagkakahalaga ng PHP200,000 para sa indibidwal na nakapagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng kriminal na responsable sa pagkamatay ni Kenneth,” pahayag ni Mayor Aguinaldo sa kanyang Facebook post.

Nagpasalamat din si Mayor Aguinaldo sa PNP at PNP Kawit para sa kanilang pagsisikap at pagtutulungan sa paglutas ng kaso. Binigyang-diin din niya ang zero-tolerance policy ng LGU Kawit laban sa anumang uri ng krimen. Ang suspek ay kasalukuyang nahaharap sa mga kasong pagpatay at paglabag sa batas laban sa ilegal na droga.

“Sinisiguro namin sa ating mga kababayan na ang LGU Kawit ay may zero-tolerance laban sa krimen. Patuloy kaming nakikipagtulungan sa iba’t ibang lokal at pambansang ahensya upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ng ating bayan,” dagdag ni Mayor Aguinaldo.

Total
0
Shares
Related Posts