Mayor Denver Chua, umalma sa vote buying issue

Nilinaw ni Cavite City Mayor Denver Chua na wala siyang kinalaman sa alegasyon ng vote buying matapos makatanggap ng show cause order mula sa COMELEC. Iginiit niyang walang basehan ang reklamo at bahagi lamang ito ng maruming pulitika. Binigyang-diin niya ang kanyang dedikasyon sa pagsunod sa batas at pagpapanatili ng integridad ng halalan.

Mariing itinanggi ni Cavite City Mayor Denver Chua ang anumang kinalaman sa umano’y isyu ng vote buying, matapos siyang makatanggap ng show cause order mula sa Commission on Elections (COMELEC). Iginiit ng alkalde na hindi siya kailanman nasangkot sa anumang iregularidad at palagi niyang sinusunod ang mga alituntunin ng COMELEC.

Ipinaliwanag ni Chua na tumatakbo siya nang walang kalaban sa halalan, kaya’t wala siyang motibo o dahilan para gumawa ng anumang uri ng pandaraya. Aniya, prayoridad niya ang pagsunod sa batas at ang integridad ng halalan upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Naniniwala si Chua na ang reklamong inihain laban sa kanya ay bahagi lamang ng maruming pulitika ng ilang indibidwal na naglalayong guluhin ang maayos na pamamahala sa Lungsod ng Cavite.

Iginiit niya na sa halip na siraan ang kasalukuyang liderato, mas nararapat na pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng mga programa at proyekto na tunay na nagpapabuti sa buhay ng kanyang mga nasasakupan.

“Patuloy nating itaguyod ang pagkakaisa, kaunlaran, at katotohanan sa ating lungsod. Sa tulong ng bawat Caviteño, magpapatuloy ang Unlad Cavite City,” pahayag ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cenomar at Cenodeath certificate maari nang iview online

Inilunsad ng PSA ang online viewing service para sa birth, marriage, death, CENOMAR, at CENODEATH certificates. Kailangang mag-apply sa PSA Serbilis at magbayad sa CRS outlet (P130-P185). Viewing copy lang ang makikita online, at ang printed copy ay maaaring ipa-deliver o kunin sa pamamagitan ng DocPrint service. Inaasahang mapapabilis nito ang transaksyon ng publiko, lalo na ng mga estudyante.
Read More

‘Close contact’ ng unang kaso ng Omicron sub-variant BA.2.12 sa Pilipinas pumalo sa 44 

Pumalo sa 44 katao ang bilang ng mga “close contact” ng Finnish national na pinaka-unang kaso ng Omicron sub-variant BA.2.12 ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon saDepartment of Health (DOH) noong Abril 28.  Nakasalamuha ng pasyenteng babae mula sa Finland ang siyam sa Quezon City, lima sa Benguet, at…