Meralco inanunsyong walang gagawing disconnections hanggang Abril 15

Walang magaganap na putulan ng kuryente sa mga lugar na nasa NCR plus bubble, ayon sa Meralco.

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi sila magpuputol ng kuryente simula Marso 29 hanggang Abril 15.

Naglabas ng abiso ang Manila Electric Company (Meralco) noong Marso 28.

Base sa kanilang Facebook post, sinabi ng Meralco na sinusuportahan nito ang hakbang ng pamahalaan na sugpuin ang COVID-19 partikular na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Matatandaang noong Sabado, inanunsyo ni Presidential Spokeman Harry Roque na sasailalim sa enhanced community quarantine ang mga lugar na nasa NCR plus bubble simula Marso 29 hanggang Abril 4.

Alinsunod naman sa Energy Regulatory Commission, sinabi ng Meralco na ipagpapatuloy nito ang pagsasagawa ng meter reading at ang paghahatid ng mga bill sa mga kabahayan.

Samantala, inanunsyo rin ng Meralco na bukas ang kanilang mga business center at magpapatupad ito ng skeleton workforce bilang pagsunod sa mga patnubay ng Inter-Agency Task Force.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite 4th Rep. Kiko Barzagam naghain ng impeachment complaint laban kay PBBM

Naghain si Cavite Rep. Kiko Barzaga ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa betrayal of public trust kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects. Layunin ng reklamo na imbestigahan ang umano’y anomalya sa paggamit ng pondo. Ito ang magiging unang impeachment complaint laban kay Marcos. Patuloy ang imbestigasyon ng Senado sa isyu, at nananawagan si Barzaga ng katarungan at pananagutan.