Meralco may taas-singil ngayong Hunyo

Magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Sa kabila ng pagpasok ng tag-ulan, may panibagong pasanin namang haharapin ang mga konsyumer ng Manila Electric Company o Meralco.

Inanunsiyo kasi ng kumpanya na magpapatupad ito ng dagdag-singil sa kuryente na aabot sa P0.4183 kada kilowatt-hour (kWh) ngayong Hunyo.

Aakyat na ngayon sa P11.9112 kada kWh ang overall rate ng kuryente, mula sa dating P11.4929 bawat kWh noong nakaraang buwan. 

Katumbas umano ito ng P84 dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan ayon sa abiso ng power distributor.

Itinuro ng Meralco bilang dahilan ng power rate hike ang pagtatapos ng P1.8009 kada kWh na refund sa mga konsyumer simula Marso 2021 hanggang Mayo 2023. 

Karaniwang tumataas ang singil sa kuryente tuwing tag-init dahil sa mas mataas na konsumo ayon sa datos ng Meralco. 

Idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan nitong Hunyo 2.

Thumbnail photo made via Canva

Total
0
Shares
Related Posts