Mga gimik sa Women’s Month bumida sa GMA Municipal Jail

Patuloy na ipinagdiriwang ang Women’s Month ngayong Marso sa buong bansa, maging sa loob ng General Mariano Alvarez Municipal Jail.

Patuloy na ipinagdiriwang ang Women’s Month ngayong Marso sa buong bansa, maging sa loob ng General Mariano Alvarez Municipal Jail.

Naghanda ng iba’t ibang aktibidad pangkasiyahan ang Bureau of Jail Management and Penology para sa mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL).

Nagkaroon ng trade fair kung saan naipakita ng mga PDL ang kanilang mga likhang-kamay sa komunidad.

"๐“๐ซ๐š๐๐ž ๐…๐š๐ข๐ซ ๐š๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐†๐Œ๐€ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ" In celebration of ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–๐™ฃ๐™ค ๐˜ผ๐™ก๐™ซ๐™–๐™ง๐™š๐™ฏ ๐™๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™–๐™ง๐™ฎ and…

Posted by Bjmp Gma Municipal Jail on Monday, March 14, 2022

Nagsagawa rin ng family planning at self-breast examination upang matulungang protektahan ang mga kababaihan bago at pagkatapos nilang manganak.

Photo courtesy by GMA Municipal Jail

Mayroon ding zumba sessions at mga aktibidad tulad ng โ€œPalaro para kay Juanaโ€ at โ€œJuana Show this Talentโ€ para sa mga temporary female residents.

Photo courtesy by GMA Municipal Jail

Para naman sa livelihood and skills training program, tinuruan din sila kung paano gumawa ng hopia bilang karagdagang pagkakakitaan sa loob at sa labas ng kulungan.

Photo courtesy by GMA Municipal Jail

Sa pamamagitan ng mga programang ito, nais umanong itaas ng pamunuan ng GMA Municipal Jail ang kumpiyansa ng mga babaeng PDL.

Nais umano nilang ipadama sa mga ito ang women empowerment sa kabila ng mga pagsubok na kanilang nararanasan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 kailangan para sa Cavite extension ayon sa DOTR

Ipinatutupad na ang taas-pasahe sa LRT-1 simula Abril 2, 2025, kung saan P20 na ang minimum at P55 ang maximum na pamasahe. Ayon sa DOTr at LRMC, kailangan ito para sa operasyon, pagpapatuloy ng Cavite extension, at pag-iwas sa inaasahang bilyon-bilyong pisong fare deficit. Tinututulan naman ito ng ilang commuter groups dahil dagdag-pasanin umano ito sa mga mananakay.
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44ยฐC Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init โ€” PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44ยฐC na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47ยฐC sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.