Nagsagawa ng surprise drug testing ang Lokal na Pamahalaan ng Noveleta sa lahat ng kawani nito noong Setyembre 17, 2025. Ito ay bilang bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Lahat ng empleyado na sumailalim sa pagsusuri ay nagnegatibo, patunay na ligtas, maayos, at produktibo ang kanilang lugar ng trabaho. Ayon sa opisyal ng LGU, ang hakbang na ito ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan at matiyak na walang kawani ng pamahalaan ang masasangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
“Layunin ng hakbang na ito na tiyakin na nananatiling ligtas, maayos, at produktibo ang ating lugar ng trabaho at maitaguyod ang integridad ng serbisyo publiko para sa ating mga kababayan,” pahayag ng LGU.
Dagdag pa ng pamahalaang lokal, ipagpapatuloy nila ang mga programang sumusuporta sa adbokasiya laban sa iligal na droga upang manatiling drug-free workplace ang munisipyo at maging huwaran para sa ibang ahensya.