Noveleta PNP: Drogang nakumpiska sa isang tulay, hindi umano shabu

Pinabulaanan ng Noveleta Municipal Police Staion (MPS) na ang nasamsam na hinihinalang shabu na natagpuan sa Kalero Bridge sa Noveleta ay hindi isang uri ng droga matapos na sumailalim sa laboratory nitong Huwebes, May 9.

Pinabulaanan ng Noveleta Municipal Police Station (MPS) na ang nasamsam na hinihinalang shabu na natagpuan sa Kalero Bridge sa Noveleta ay hindi isang uri ng droga matapos na sumailalim sa laboratory nitong Martes, Mayo 7.

Noveleta Police/Facebook

Taliwas ito sa naging ulat ng Region 4A police kamakailan na ito ay isang shabu na nakita ng tatlong street sweeper sa nasabing tulay sa Barangay San Rafael 4 bandang alas tres ng hapon.

“Ang narecover na hinihinalang shabu sa Kalero Bridge ay hindi isang uri ng ipinagbabawal na gamot matapos niton sumailalim sa Laboratory Examination at walang sino mang awtoridad ang nagsabi na iyon ay shabu,” ayon kay PMAJ Rene Dale G. Cairel, Chief of Police, Noveleta MPS.

Nakasilid ang hinihinalang shabu sa isang transparent bag na agarang dinala ng mga street sweeper sa awtoridad.

Total
0
Shares
Related Posts