Online Renewal ng Driver’s license posible na

Inilunsad ng LTO ang Online Driver’s License Renewal System sa eGovPH app upang mapabilis at mapagaan ang pag-renew ng lisensya. Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, maiiwasan na ang personal na pagpunta sa LTO, at ang e-license na lalabas sa app ay may kaparehong bisa ng pisikal na card. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas episyenteng serbisyo ng gobyerno.

Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang Online Driver’s License Renewal System na madaling ma-access sa eGovPH app.

Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, layunin ng bagong sistema na gawing mas mabilis, maginhawa, at abot-kaya ang pag-renew ng lisensya nang hindi na kailangang personal na pumunta sa mga tanggapan ng LTO.

“This is a better alternative to going to LTO offices since you don’t need to shell out money for transportation or fall in line at our offices,” saad ni Mendoza.

Kapag matagumpay ang transaksyon, awtomatikong lalabas ang e-license sa app na may kaparehong bisa ng pisikal na card. Maaari ring ipa-deliver o personal na kunin sa LTO district office ang pisikal na card.

Ang digital na serbisyong ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang gawing mas episyente ang mga transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Total
0
Shares
Related Posts