Opisyal ng People’s Volunteer Against Illegal Drugs Partylist arestado sa buy-bust

Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad ang tatlong personalidad kabilang ang kinikilalang mastermind at opisyal ng isang partylist sa Dasmariñas, Cavite.

Nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaki kabilang ang isang opisyal ng partylist na People’s Volunteer Against Illegal Drugs (PVAID) matapos mahulog sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kinilala ng pulisya ang naaresto na si Jerklie Abdulkarim, ang itinuturong utak sa likod ng sindikatong dawit sa bentahan ng ilegal na droga at paggamit ng menor de edad bilang drug courier.

Arestado ang isang opisyal ng partylist at mga kasama nito sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas, Cavite. Photo Courtesy of Coun. Kiko Barzaga

Kinumpirma mismo ng suspek na opisyal siya ng naturang partylist pero itinanggi nito ang krimen, ayon pa rin sa parehong ulat.

Samantala, kinasuhan naman ang lahat ng suspek dahil sa paglabag nito sa Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act at dinala sa Department of Social Welfare and Development ang kasama nilang menor de edad.

Base pa rin sa ulat, magkakaroon sariling imbestigasyon ang PVAID partylist sa pagkakadawit Abdulkarim at makikipagtulungan umano sila sa NBI.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Ex-mayor sa Silang muling pinatawan ng parusa ng Ombudsman

Hinawakan ng Ombudsman na guilty sina dating Silang Mayor Kevin Anarna at ang kapatid niyang si Nathaniel Anarna Jr. sa kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Ito ay dahil hinirang ni Anarna ang kanyang kapatid bilang BAC chairman kahit kulang ito sa kwalipikasyon. Dahil diskuwalipikado na ang magkapatid, ang parusa ay gagawing multa na katumbas ng isang taong sahod.