P136-M halaga ng shabu nasabat sa Cavite

Tiklo ang tatlo sa limang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City Lunes ng gabi, Abril 25, matapos itong mahulihan ng halos P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Tiklo ang tatlo sa limang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City Lunes ng gabi, Abril 25, matapos itong mahulihan ng halos P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Isaac Gabriel Ambulo, Roman Ambulo at Abdurrahim Ambulo.

Hindi pa napapasakamay ng kustodiya ang dalawa nilang kasama na sina Saddam Hadji Gaffor at Nabil Madarang matapos nila umanong makatakas sa nasabing operasyon.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, ang mga naturang suspek ay kabilang sa mga supplier ng bulto-bultong halaga ng ilegal na droga sa Metro Manila, Cavite at mga karatig-lugar.

Pulis, suspek patay sa hiwalay na buy-bust

Sa bayan naman ng Tanza, patay ang isang pulis at ang tinuturong drug suspect matapos nilang magpalitan ng mga putok ng baril noong Linggo.

Ayon sa report ng mga pulis, nagtangkang tumakas ang suspek na si Leovildo Alangilan, 43, at humugot ito ng baril nang matunugan ang umiiral na drug operation.

Naglabas pa ‘di umano si Alangilan ng isang granada ngunit ito ay agad namang sumabog sa kanyang mga kamay.

Nabaril sa dibdib si Cpl. John Paul Digma ngunit siya rin ay nasawi habang ginagamot sa ospital. Dead-on-the-spot naman ang naturang suspek.

Narekober ng mga pulis ang dalawang baril, at mga sachet ng shabu at marijuana.

Thumbnail photo is a contributed photo.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PWD binugbog ng dalawang kabataan sa Imus City

Isang PWD ang pinagtulungang bugbugin ng dalawang kabataan sa Brgy. Malagasang 1G noong Marso 28 dahil sa umano'y pagnanakaw ng bracelet. Nakuhanan ng CCTV ang insidente. Naaresto ang isang suspek habang ang kasama nitong menor de edad ay nasa pangangalaga na ng DSWD. Mariing itinanggi ng ina ng biktima ang akusasyon.
Read More

Noveleta LGU nanatiling drug-free workplace

Nagsagawa ng surprise drug test ang LGU Noveleta sa lahat ng kawani nito noong Setyembre 17, 2025, bilang pagsunod sa Republic Act No. 9165. Lahat ng empleyado ay nagnegatibo, na nagpapatunay ng integridad ng serbisyo publiko. Tiniyak ng LGU na ipagpapatuloy nila ang mga programa upang manatiling drug-free workplace ang munisipyo.