P2.4B Jackpot prizes sa Lotto kinuwestiyon sa Senado

Kinuwestiyon ng mga Senador ang sunod-sunod na pagkakapanalo ng mga mananaya sa Lotto na umabot na sa P2.4 bilyong jackpot prizes simula pa noong nakaraang buwan.

Pinuna ng ilang Senador ang sunod-sunod na pagkapanalo ng mga mananaya sa lotto na umabot sa tumataginting na P2. 4 bilyong jackpot prizes simula nitong Disyembre 2023.

Idiniin naman ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang anumalyang nangyayari at bukas ang kanilang tanggapan kung sakaling magkaroon ng imbestigasyon ang Senado.

Sa isang panayam, pinabulaanan rin ng PCSO General Manager Mel Robles ang naging pahayag ni Sen. Raffy Tulfo na may isang indibiduwal ang 20 beses na umanong nanalo sa magkakasunod na pagkakataon at nanindigan ito na dumaan sa tamang proseso ang pagbobola ng mga numero sa Lotto.

Ipinaliwanag rin ni Robles na maaring ipakuha ng nanalong mananaya ang kanyang premyo sa ibang tao lalo na kung nasa malayong lugar ito nakatira at walang valid Id.

“That’s what I meant that the claimant is not necessarily the winner, although we have to put them as winner,” saad ng opisyal.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lolong ninakawan ang sarili, nahuli cam

Kasakote ngayon ang isang 62-anyos na lolo matapos mahuli sa CCTV at napag-alaman sa masusing imbestigasyon na siya mismo ang suspek na nagnakaw sa ini-report niyang pagnanakaw sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite.