P50K entry salary kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

Muling nangalampag nitong Miyerkules, April 12, ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa labas ng Philippine General Hospital (PGH) na itaas ang sahod ng mga nurse sa P50,000 na basic salary kada buwan.

Muling nangalampag nitong Miyerkules, April 12, ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa labas ng Philippine General Hospital (PGH) na itaas ang sahod ng mga nurse sa P50,000 na basic salary kada buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ng FNU na makakatulong umano sa pamumuhay at kalusugan ng mga nurse kung pagbibigyan ang mungkahi na “entry salary” na P50,000 sa pampubliko at pribadong nurse sa bansa.

Sa kasalukuyan, higit sa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod ng P537 kada araw sa Metro Manila na mababa kung ikukumpara sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).

Samantala, nasa P35,000 lamang ang minimum salary ng mga nurse na nasa pampublikong ospital na bagaman mas mataas ay matindi naman umano ang sakripisyo nila dahil sa rami ng trabaho at pasyente.

Naglabas ng hinaing ang grupo sa gobyerno na maging makatao ang working environment at itaas ang pagpapasahod upang hindi mapilitan ang mga nurse na mangibang-bansa.

“Lahat kami sa government at nurses sa private sector ay medyo hirap talaga kaya ‘di niyo kami mapipigilan na umalis ng bansa kasi mas mataas ang ino-offer nila sa amin,” saad ni Ivan Paguio, pinuno ng FNU-San Lazaro Hospital.

Nagpakita naman ng pagsuporta si Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panawagan ng mga nurse at iginiit sa Department of Budget and Management at mga mambabatas na gumawa na ng hakbang para maisabatas ito.

Ang aktibidad ay parte lamang ng 3rd National Congress ng FNU.

Thumbnail photo courtesy of Mike Alquinto

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MPOX Cases sa Davao City, lumilitaw na konektado sa HIV

Inihayag ng SPMC sa Davao City na 11 sa 14 na kaso ng Mpox sa kanilang ospital ay positibo rin sa HIV, posibleng dahil sa high-risk sexual behavior. Ipinaliwanag na ang Mpox ay naihahawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at intimate contact. Hinihikayat ng SPMC ang agarang pagkonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Samantala, tumaas ng 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas, na may 57 bagong kaso kada araw.
Read More

Pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 kailangan para sa Cavite extension ayon sa DOTR

Ipinatutupad na ang taas-pasahe sa LRT-1 simula Abril 2, 2025, kung saan P20 na ang minimum at P55 ang maximum na pamasahe. Ayon sa DOTr at LRMC, kailangan ito para sa operasyon, pagpapatuloy ng Cavite extension, at pag-iwas sa inaasahang bilyon-bilyong pisong fare deficit. Tinututulan naman ito ng ilang commuter groups dahil dagdag-pasanin umano ito sa mga mananakay.