P50K na napulot ng sidecar driver naisauli na

Umani ng papuri ang isang sidecar driver na taga-Rosario, Cavite na si Tatay Roger Estolano Drio, kilala sa tawag na “Wakwak,” matapos niyang isauli ang isang sobre na may lamang Php 50-K sa may-ari nito na si May Barrido.

Umani ng papuri ang isang sidecar driver na taga-Rosario, Cavite na si Tatay Roger Estolano Drio, kilala sa tawag na “Wakwak,” matapos niyang isauli ang isang sobre na may lamang Php 50-K sa may-ari nito na si May Barrido.

Ayon kay tatay Roger, gabi ng April 6 habang naghihintay ng pasahero ay maraming tao ang dumadaan sa kanyang kinaroroonan ngunit nilalagpasan lamang nila ang isang sobreng kulay puti.

Una n’yang inakala na napkin lang ang sobreng puti kaya hindi niya ito agad pinansin.

Laking gulat na lamang niya na may lamang tag-iisang libo ang puting sobreng kanyang napulot sa daan.

Makalipas ang ilang sandali ay isang babae ang tila may hinahanap sa kalsada at napag-alamang ito ang nagmamay-ari ng sobreng puti.

Ipinahayag naman ng may-ari ng sobre ang kanyang pasasalamat at paghanga sa integridad ni Tatay Wakwak.

Dagdag pa rito, hindi ito ang unang pagkakataon na nagsaoli ng pera si Wakwak dahil nasubukan na rin ang kanyang katapatan noong 2022 na kung saan nagbalik ito ng peta sa halagang P12,000.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lapu-Lapu Festival ng mga Pinoy sa Canada nauwi sa aksidente

Isang trahedya ang naganap sa Vancouver, Canada kung saan inararo ng sasakyan ang mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival, na ikinasawi at ikinasugat ng ilan. Nagpahayag ng kalungkutan si Mayor Ken Sim at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad. Nagpaabot din ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.