Pagbabakuna kontra COVID-19 mandatory sa mga empleyado sa Kawit

Mandatory na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga eligible on-site na mga mangagawa sa bayan ng Kawit habang ang mga ayaw magpabakuna ay kinakailangang sumailalim sa regular na RT-PCR test.

Inatasan ng pamahalaang bayan ng Kawit ang lahat ng pampubliko at pambribadong establisyemento at mga employer na gawing requirement na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa kanilang mga eligible on-site na mga empleyado.

Batay sa Excecutive Order No. 037-2021, maaaring tumanggi ang mga pampubliko at pampribadong establisyemento at mga employer na papasukin o pagserbisyuhan ang mga indibidwal na nanatiling hindi bakunado.

Excecutive Order No. 037-2021. Mga larawan mula kay Mayor Angelo Aguinaldo.

Kinakailangan ng mga empleyado na maging fully vaccinated o nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Samantala, ang mga eligible na mga manggagawa na hindi bakunado ay hindi tatanggalin sa trabaho ngunit kinakailangan na regular na magpa-RT-PCR test na sarili nilang gastos.

“Sa punto pong ito, responsibilidad na nating magpabakuna kontra COVID-19 para sa ating sariling kaligtasan at ng ating #KapwaKawiteño. Inaasahan ko po na magiging responsable tayong mamamayan para na rin sa kapakanan ng lahat,” ani Mayor Angelo Aguinaldo sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa rito, hinikayat rin ng alkalde ang mga nasasakupan nito na magpabakuna dahil ito naman ay libre aniya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Voter’s registration muling bubuksan ng COMELEC sa Agosto 1-10

Muling bubuksan ng COMELEC ang voter registration mula Agosto 1 hanggang 10, kasama ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, pagwawasto, at updating ng records ng iba't ibang sektor. Magbubukas ang mga tanggapan mula 8 AM hanggang 5 PM, Lunes hanggang Linggo, at isasagawa rin ang Register Anywhere Program sa NCR, Region III, at Region IV-A. Inaasahan ng COMELEC na mahigit isang milyong bagong botante ang magpaparehistro.
Read More

PAGASA announces onset of El Niño

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) officially announced on Tuesday the onset of El Niño due to the warmer temperatures in the Tropical Pacific.