Pagbebenta ng paputok ipinagbabawal sa General Emilio Aguinaldo

Naglabas ng ordinansa ang bayan ng General Emilio Aguinaldo na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at ang iligal na pamamahagi ng anumang uri ng paputok o pyrotechnic devices sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng General Emilio Aguinaldo ang paggawa, pagbebenta, at ang iligal na pamamahagi ng anumang uri ng paputok o pyrotechnic devices sa kanilang bayan sa darating na pagsalubong sa Bagong Taon.

Batay sa Executive Order No. 44 na inilabas ng nasabing lokal na pamahalaan noong Disyembre 27, maaaring ipasara ang negosyo o establisimiyento at makansela ang business permit at lisensya ng sinumang lumabag sa kautusan.

Executive Order No. 44 o ang pagbabawal sa paggawa, pagbebenta, at ang iligal na pamamahagi ng anumang uri ng paputok o pyrotechnic devices sa bayan ng General Emilio Aguinaldo. Photo courtesy of Mayor Nelia Bencito-Angeles.

Dagdag pa rito, hindi maglalabas ng business permit o license ang kanilang Business Permit and License Office (BPLO) para sa mga paggawa, pagbebenta, at pagbibigay ng anumang klase ng firecrakers o pyrotechnic devices.

“Ito po ay upang mapanatili natin ang public safety, peace, and order bilang pakikiisa sa Executive Order No. 28 na inilabas ng ating Pangulo Rodrigo Duterte o ang Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices. Inaasahan po ang pakikiisa ng bawat isa. Maraming salamat po,” ani Mayor Nelia Bencito-Angeles sa kanyang Facebook post.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Team Unlad , dinagsa ng suporta sa motorcade sa Cavite City

Mainit na sinalubong ng mga residente ang motorcade ng #TeamUnladCaviteCity, pinangunahan ni Mayor Denver Chua. Nagpasalamat ang alkalde sa suporta at nangakong magpapatuloy sa tapat na serbisyo. Nag-house-to-house visit din ang grupo, at umaasa ang mga mamamayan sa mas maraming proyekto para sa pag-unlad ng Cavite City.
Read More

MMDA inilabas ang Top 20 traffic violations sa Metro Manila

Inilabas ng MMDA ang top 20 paglabag sa trapiko sa Metro Manila mula Enero hanggang Abril 2025, na naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Nanguna ang disregarding traffic signs at illegal parking. May kaukulang multa at parusa ang bawat paglabag, na naglalayong paigtingin ang disiplina sa kalsada at mapaluwag ang trapiko.
Read More

Miyembro ng NPA sumuko sa Maragondon

Nagbalik-loob sa pamahalaang ang isang isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos nitong sumuko sa mga awtoridad sa Maragondon, Cavite.