Pagsusukat ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ititigil muna ng PHIVOLCS

Pansamantalang ititigil ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagsusukat ng sulfur dioxide (SO2) na ibinubuga ng Bulkang Taal dahil sa mga kawani na sumasailalim sa quarantine, simula Agosto 27.

Pansamantalang ititigil ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagsusukat ng sulfur dioxide (SO2) na ibinubuga ng Bulkang Taal dahil sa mga kawani na sumasailalim sa quarantine, simula Agosto 27. 

BULKANG TAAL 27 Agosto 2021 7:30 ng gabi PAUNAWA: Nais po naming ipabatid na pansamantalang matitigil ang pagsusukat…

Posted by Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) on Friday, August 27, 2021

Ayon sa PHIVOLCS noong Biyernes, “Dahil dito, ang mga kawani ng TVO ay hindi makapagsagawa ng survey at ng kinakailangang maintenance checks ng instrumentong Flyspec na panukat ng SO2 gas.”

Dagdag pa ng ahensiya, inoorganisa na nila ang kapalit na grupo ng mga magsasagawa ng survey at inaayos na ang pag-angkat ng Flyspec na mula sa Rehiyon ng Bicol upang maipagpatuloy ito.

Pansamantala ring ititigil ang pagtanggap ng mga bisita sa paligid ng isla bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa kabila nito, patuloy pa rin umanong magmamanman ang ahensya ng 24/7 sa Bulkang Taal. 

“Humihingi ng paumanhin at pag-unawa ang DOST-PHIVOLCS at asahan po natin na ipagpapatuloy ang pagsusukat ng SO2 mula sa Taal sa pinakamaagang panahon na ligtas para sa ating mga kawani at sa lahat,” anila.

Thumbnail photo by chan lee on Unsplash

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

The state statistics bureau reported on February 7 that inflation increased in the previous month, which was unexpected as the government had predicted a slowdown. The increase was mainly due to higher costs for water, electricity, and housing rental rates, as well as the continued rise in the prices of food, vegetables, and non-alcoholic beverages.